Kapamilya Network, Nakikinabang ngayon sa kinang ng AlDub.

Iginiit ng beteranang Radio Broadcaster at showbiz expert na si Cristy Fermin na kahit lumipas pa raw ang panahon ay tila wala pa tin daw makakahigit sa tambalang kinabaliwan at kinakilig ng lahat. Ito ay walang iba kundi ang Phenomenal Loveteam na AlDub. Na binubuo nina Phenomenal Star Maine Mendoza at Asia's Multi-Media Star Alden Richards.

Kung noon ay walang awang pinataob ng AlDub Loveteam ang mga programa ng kabilang estasyon. Ngayon tila nagbago na ang ihip ng hangin. Dahil sa mga nangyayari ngayon ay pinakikinabangan na ng ABS-CBN. Matatandaan na bumida si Tisoy sa isang pelikula sa Star Cinema kung saan nakatambal niya rito si Kathryn Bernardo.

Samantala, si Maine Mendoza naman ngayon ay bibida sa isang pelikula katambal si Carlo Aquino na under din sa pamunuan ng ABS-CBN.

MUST READ: Ebidensiya Huling-huli Sa Akto Patunay Sa Relasyon Nila Alden Richards At Maine Mendoza

Kung nagamit lang sana sa tama ang paghawak sa tambalang ito ay mas marami pa itong kasaysayang nagawa subalit hindi ito nangyari wala na ngayong magawa ang GMA Network sa ginagawa ng kabilang estasyon. Mahina na rin kase ang paglikha ng pelikula sa GMA Films at matagal ng nahinto. Kung kaya't marami sa kanilang mga artista ay tengga parin hangga ngayon.

Samantala, ipapalabas na sa Oktubre ang Isa Pa with Feelings nina Menggay at Carlo. Kakaiba ang tema ng nasabing pelikula at inaasahan na tatabo din sa takilya. Gaya ng nangyari sa Hello, Love, Goodbye ng KathDen.


MUST READ: Alden Richards Nabuking Si Maine Mendoza Ang Tinutukoy Sa Interview Huling-huli Sa Ebidensiyang Ito