Maine Mendoza Pinagkakatiwalaan Na Ni Alden Richards Sa Kanyang Mga Sariling Gamit Alamin

Hindi pa rin matigil ang usap- usapan ng mga netizens sa social media tungkol sa bagong nadiskubre nila kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kinilig sila sa kanilang bagong nalaman na pinagkakatiwalaan na pala ni Tisoy si Menggay sa mga personal na gamit niya.

Ang kanilang tinutukoy na gamit ay ang EB Shirt na isinout ng dalaga dito sa Cebu noong Sabado Enero 18.

MUST READ: Ito Pala Ang Ginawa Ni Alden Richards Sa Mga Reporter Nang Tanungin About Maine At Arjo

Pumunta kasi si Maine sa nasabing lugar upang makisaya sa Sinulog Festival 2020.

Doon din ginanap ang show ng Eat Bulaga.

Ayon sa mga haka-haka, ang nasabing shirt na ginamit ng phenomenal  star ay pagmamay-ari diumano ng Asia’s Multimedia Star.

Nang dahil dito muli na namang kinilig ang AlDub Nation.

Sabi nila, iba talaga pag may karapatan ka na kahit personal na bagay ay pinauubaya na sa ‘yo.

Dagdag nila, hindi naman ito ang unang gamit na nakita nila kay Meng.

May jacket na, pants at sasakyan na nagamit na niya noon pa man.

Kaya, huwag na daw bigyan pa ng ibang kahulugan pa ang mga larawan nila Maine at Arjo Atayde.

Isa raw itong panggugulo lang sa ADN para tuluyan nang mawala ang suporta nila sa kanilang idolo.

Ngunit hindi raw ito mangyayari lalo na ngayon na kahit si Sir Mike, ang handler ni Meng ay nagsalita na.

Nagreak naman ang mga ArMaine fans  sa nasabing usap-usapan ng iilang netizens.

Response nila, nakakaawa na raw ang mga fans nila Alden at Maine.

Hanggang ngayon ay nag-iilusyon pa rin at nananaginip na gising.

Sagot naman ng ilang ADN, believe kung ano ang gusto ninyong paniniwalaan, basta huwag lang makialam.

Totoo man o hindi, its our ilusyon at hindi sa inyo.

Ano ang masasabi mo sa usaping ito ngayon?

MUST READ: Julie Ann San Jose Ibinuking Ang Katotohanan Tungkol Kina Alden At Maine