Totoo Pala Na May Pa-birthday Date Si Alden Kay Maine Nahuli Ni Bossing Vic Sotto

Naging iba’t iba ang reaksyon ng netizens nang hindi dumating si Alden Richards sa Eat Bulaga noong kaarawan ni Maine Mendoza.

Sabi nila, bakit biglang nag-iba ito kung noon ay abala ang binata sa kaarawan ng dalaga?

Gumastos pa ito ng malaki sa unang birthday ni Menggay noong nagrent ng private plane just to surprise her sa Boracay.

MUST SEE: APT Dinumog Ng Fans, Cakes And Gifts Arrive For Maine Mendoza's Birthday

Bakit nag-iba na ang lahat ngayon?

Ito ang mga katanungan nila sa social media kahapon March 4 nang makita nila si Tisoy sa Eat Bulaga isang araw matapos ang nasabing selebrasyon.

Ngunit bigla nalang natahimik ang lahat nang matanong ito ni Vic Sotto live on TV tungkol sa isang bagay na labis na ikinakaba nya.

Pinawisan ang Asia’s Multimedia star sa tanong Bossing dahil dinahan-dahan pa ng huli ang pagsasalita niya at nakafocus pa sa kanya ang camera.

Hindi man diriktang sinabi ng komedyante, ngunit isang netizen ang nagsabi na nasundan pala si Tisoy at Menggay nila Vic at Pauline.

Magkasama raw ito sakay sa bagong Ferrari at kumain sa isang restaurant.

Tila may katotohanan naman ang sinabi ng taong ito.

Kung matatandaan ay naipost pa nga ni Alden ang bago niyang sasakyan sa social media.

Wala nga lang ebidensya kung talagang magkasama sila ni Maine.

POV:

Para sa akin, hindi big deal na magkasama man sina Alden at Maine bago o matapos ang kaarawan ng huli recently.

Hindi man natin nakikita o wala man tayong resibo, for sure naman ako na may ginawa pa rin si Tisoy para sa kaarawan ni Menggay.

As what he said before sa panahon ng Kalyeserye days, magbabago man ang lahat ngunit hindi magbabago ang ALDUB kahit kailan.

Kaya naniniwala pa rin ako na hindi man magkasama ang dalawa as what we wished on that day, for sure may pa-sorpresa pa rin si Alden kay Maine.

Ikaw ano ang opinyon mo tungkol sa usaping ito?

MUST SEE: Alden Richards Gusto Nang Ipagsigawan Ang Taong Ito Pero Mas Piniling Protektahan